TARA, SAMA-SAMA NATING BANTAYAN ANG 2025 ELECTIONS!

Bilang mamamayan, karapatan nating tulungang siguruhin na naaayon sa batas at COMELEC guidelines kung paano patatakbuhin ang halalan. Sagrado ang ating boto, at kailangang sama-sama nating itaguyod ang isang malaya, patas, at walang kinikilingang halalan na sasalamin sa tunay na kalooban ng ating mga kababayan.

Ang mga observations ng NAMFREL volunteers ay iipunin at ipapasa bilang report sa COMELEC, at ang mga ito ang pangunahing pagkukunan ng mga recommendations sa COMELEC at sa Kongreso upang higit pang mapabuti ang mga electoral processes sa Pilipinas.

Basahin DITO ang ilan sa mga past reports ng NAMFREL!

Depende sa anong klaseng involvement ang gusto mo at sa available na slots, maaari kang maging alin man sa mga sumusunod:

NAMFREL chapter HQ staff

NAMFREL polling place observer (kailangang registered voter)

Roving observer (kailangang registered voter)

Volunteer support staff

Ipapasa namin ang iyong information sa aming core volunteers sa lugar kung saan mo napiling mag-observe, at sila ang ko-kontak sa iyo kung may training o kapag kailangan ka na nilang i-deploy. In the meantime:

Maging up-to-date sa mga balitang eleksiyon at sundan ang mga daily election news updates DITO..

Ang Vote For Us website ng NAMFREL ay ang iyong one-stop destination para lawakan ang iyong kaalaman tungkol sa darating na 2025 Elections. Naglalaman ito ng curated na koleksyon ng COMELEC resolutions at other facts and figures tungkol sa darating na halalan.

Mag-sign-up DITO upang makatanggap ng NAMFREL newsletter at iba pang updates.

Basahin DITO ang past issues ng NAMFREL News!

I-Like ang aming Facebook page at iba pang social media accounts ng NAMFREL (nasa baba ng page ang links!)

Ano nga ba ang NAMFREL?

Itinatag noong 1983, ang NAMFREL o National Citizens’ Movement for Free Elections ang kauna-unahang citizen-led national election monitoring organization sa buong mundo. Tuwing halalan, ang NAMFREL ay nagre-recruit ng mga non-partisan volunteers upang bantayan ang buong electoral cycle, lalo na ang botohan at bilangan kapag election day. Ang NAMFREL ay naniniwala na every voter should be an observer, kaya hinihikayat ng NAMFREL ang lahat — miyembro ka man ng NAMFREL o hindi — na maging alisto at mapanuri kapag panahon ng halalan.

Bukod sa pagtulong sa mga mamamayan na maging mas mapanuri tuwing halalan hindi lamang sa pagbabantay kundi pati rin sa pagpili ng iboboto, nais din ng NAMFREL na tingnan kung ginagawa nga ba ng tama ng mga nahalal ang kanilang mga tungkulin at kung tinutupad nila ang kanilang mga ipinangakong gagawin. Layunin din ng NAMFREL na bigyan ang mga volunteers ng oportunidad na ituloy ang pagbabantay kahit tapos na ang eleksiyon.

Kuwentong NAMFREL

Volunteer

“I started in NAMFREL way back in 1994. Napasali ako kasi I was serving the church. I was aggressive in volunteering in the church and I didn’t think twice in joining NAMFREL. I had scary experiences but my spirit in wanting to have a safe, and transparent elections is there. Sa tanan na gustong mag-volunteer, I am encouraging you to be part of NAMFREL.”

Coordinator

“I joined NAMFREL kasi interested talaga ako sa serving and spirit of volunteerism. I want to be involved din with the advocacy of NAMFREL. I learned in NAMFREL that non-partisan is not the same is neutrality. Non-partisan doesn’t mean na wala ka nang pakialam. I encourage mga kabataan at rehistradong botante na magsign-up to become one of our volunteers. “

NAMFREL Mindanao Regional Convenor

“2001 Elections noong nagsimula akong maging election volunteer sa Zamboanga City at mula noon naging sunod-sunod na po ang aking engagement sa mga nagdaang elections. Na-experience ko pong magpunta sa mga delikadong lugar upang makatulong sa paghahanda at pagbabantay ng bilangan. Sa NAMFREL, natuto akong makisalamuha sa iba’t ibang tao. Higit sa lahat, nagkaroon ako ng pagkakataong magsilbi sa bayan nang walang pinipiling partido o kandidato. Kaya makilahok at maging NAMFREL Volunteer! Kita-kita tayo.”

Volunteer

“Nagsimula ako sa NAMFREL noong 1998. Actually hindi pa nga ako botante noon eh pero nasali ako sa NAMFREL dahil sa activity sa simbahan. Sumali ako sa NAMFREL dahil alam kong marami akong matututunan dito, marami akong makikilalang kaibigan at maeexperience na makakatulong sa bayan. Dito sa NAMFREL, matututunan mong maging non-partisan. Kaya mong magsalita at mag-express ng opinion na hindi ka magiging biased. Kaya kayo, I encourage and invite you to join NAMFREL.”

You Can be the Change

We are being called to be a part of something bigger than we are. Pilipino, kailangan ka ng komunidad mo, pag-asa ka ng bayan mo. Mag-sign-up today bilang NAMFREL Bantay ng Bayan volunteer!

Our Supporters